Tuesday, December 12, 2006

Palipat-lipat, Pasalin-salin - A Musical on AIDS

Kilalanin natin si Nerissa, OFW at HIV Positive

Kinayang iwan ang pang-aabuso ng asawa, ngunit hindi kinayang mag-
ungkat sa nakaraan ng kanyang karelasyong seaman. Nagbabala ang
bestfriend na si Demetrio na mang-ingat sa sakit at gumamit ng
proteksyon. Ngunit mas nangibabaw ang mga pangako ng seaman ng
maalwang bukas.

Nahulog ang loob ni Nerissa.
Naging HIV-Positive sya.

Inilahad ang kanyang kalagayan sa kanyang anak at mga kaibigan, at
muling nabigyan ng pag-asa.

Nagpapahiwatig ang Paglipat-Lipat Pasalin-Salin na huwag mag-
atubiling i-prioridad ang pagpapahalaga sa dignidad at sa sariling
kalusugan at kapakanan.

Sundan natin ang paglalakbay ni Nerissa
At sabay-sabay tayong
Matuwa't malungkot,
Masaktan at maghilom.

"Isang pamilya tayo, sa pakikipaglabang ito!
Kung sugat mo ay sugat ko, sa tuwa rin magsasalo!"
=================================================

Ang Palipat-lipat, Pasalin-salin ay isang Musical na lilibot sa
pitong syudad na pinondohan ng UNICEF at Panibagong Paraan/WorldBank.
Ito ay mapapanood sa Dec. 16, 3:00 ng hapon sa UP Film Center.

Ito ay isa lamang sa mga proyekto ng CREATIVE COLLECTIVE CENTER, INC.
Tumawag sa CCCI: Tel . 925 8066/ 0919- 647 7777 para sa iba pang
impormasyon.

1 Comments:

At 1:37 PM , Blogger Joseph Santos-Lyons said...

Hi There
I see that you are posting on several Unitarian Universalist blogs. Are you interested in our Unitarian Universalist Group in Quezon City?

Pastor Joseph Santos-Lyons
0917-326-5188

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home